Everything Wiki:About

Mula sa Everything Wiki
Pagbabago mula noong 17:20, 25 Agosto 2021 ni Everythingadm (usapan | ambag) (Nilikha ang pahina na may 'center <h1>Everything|Wiki</h1> === '''Tungkol sa amin:''' === Kami ay isang komunidad ng malaya, mga independiyenteng moderator at tagasup...')
(pagkakaiba) ← Lumang pagbabago | Pangkasalukuyang pagbabago (pagkakaiba) | Bagong pagbabago → (pagkakaiba)
Jump to navigation Jump to search
0.00
(isang boto)
About us.png

Everything|Wiki

Tungkol sa amin:[baguhin]

Kami ay isang komunidad ng malaya, mga independiyenteng moderator at tagasuporta na gustong magbigay ng kontribusyon para sa kabutihan ng sangkatauhan. Nakikita namin na responsibilidad namin na pagsamahin ang mga consumer pati na rin ang mga service provider, at para gumawa ng pinakamahusay na posibleng win/win na sitwasyon sa magkabilang panig. Ang Everything|Wiki ay hindi pag-aari ng mga indibidwal na tao o kompanya, pero sa kahit na sinong gustong maging bahagi ng pamayanan. Ang Everything|Wiki ay in-upgrade na bersyon ng Wikipedia at iba pang mga encyclopedia, kung saan pwede ding mag-ulat sa ibang mga kilalang personalidad o maliliit na kompanya. Sa amin, walang mga paghihigpit, hangga't ang mga ito ay may moral at legal na katwiran. Ang lahat ng bisita sa site na ito ay may pagkakataon na ipaalam sa kanilang sarili ang tungkol sa sinuman at anupaman, at sa gayon ay pinoprotektahan ang kanilang sarili. Walang isang panig na pag-uulat, at makakatulong ang pamayanan na hubugin ang kanilang mga kontribusyon para magbigay ng isang pinakamainam na platform.

Our mission.png

Ang Aming Misyon:[baguhin]

Ang misyon namin sa Everything|Wiki ay magbigay ng komunidad at database kung saan lahat ay pwedeng matutunan at makipagpalitan ng impormasyon tungkol sa lahat ng bagay. Gamit ang palitan, nagbibigay kami ng dagdag na kahalagahan para sa lahat ng panig. Para magawa ang may pinakaposibleng halaga, ibinabahagi namin ang kita namin sa aming aktibong komunidad.

  • Sa Everything|Wiki sinumang kilalang personalidad, kompanya, lugar, hayop, item, teorya, negosyo, atbp. ay pwedeng ilathala. Walang mga paghihigpit dito, lahat ay posible.
  • Hindi mahalaga kung gaano kalaki ang kompanya, o kung gaano kasikat ang kilalang personalidad. Ang mas maliliit na negosyo tulad ng craftsman, hairdresser, o panaderya ay dapat magkaroon din ng pagkakataong ipakilala ang sarili nila.
  • Gamit ang paglilista at aktibong palitan ng komunidad, ang mga consumer ay dapat maprotektahan at mabigyan ng mas malaking kasiguruhan kapag nagdedesisyon.
  • Ang mga kompanya at negosyante ay pwedeng ipakilala ang sarili nila ganno man sila kalaki nang sa gayon ay makaakit ng mga bagong kostumer. Hindi tulad ng iba pang encyclopedia, ang mga kompanyang ito o indibidwal ay pwedeng magkomento nang paisa-isa sa mga entry, komento, at rating.
  • Pwedeng i-verify ng mga kompanya ang sarili nila gamit ang aming selyo para makagawa ng mas malaking transparency at seguridad para sa kanilang mga kostumer.
  • Ang mga kompanya o kilalang personalidad ay pwedeng mag-advertise sa kanilang mga profile at, halimbawa, ay maglathala ng mga promosyong diskwento at ipasa ito sa kanilang mga kostumer.
  • Ang lahat ng panig ay dapat makinabang sa interactive na palitan.
  • Ang mga moderator ay makakatanggap ng puntos sa paggawa at pag-update ng mga artikulo at kung kaya pwedeng umakyat sa ranggo. Ang mga aktibong moderator ay babayaran namin ng hiwalay.
  • Pinaplano ng Everything|Wiki ang sarili nitong cryptocurrency sa hinaharap para gawing simple ang panloob na mga transaksyon para sa mga negosyo at mga tagapagbasa. Ang mga puntos ng moderator ay maico-convert sa sarili naming currency.
  • Ang mga miyembro ng komunidad ay magkakaroon din ng pagkakataong bumili ng coin. Bawat may hawak ng coin ay magkakaroon ng bahagi sa iba't ibang kita ng Everything|Wiki hangga't hawak nila ang coin na iyon sa amin.


You are not allowed to post comments.