Everything Wiki:FAQ

Mula sa Everything Wiki
Pagbabago mula noong 17:56, 25 Agosto 2021 ni Everythingadm (usapan | ambag) (Nilikha ang pahina na may '<h2>FAQ para sa mga moderator, gumagamit at kompanya/may-ari</h2> <h3>FAQ para sa Moderator:</h3> <p><strong>Sino ang pwedeng maging moderator?</strong><br> Sa ngayo...')
(pagkakaiba) ← Lumang pagbabago | Pangkasalukuyang pagbabago (pagkakaiba) | Bagong pagbabago → (pagkakaiba)
Jump to navigation Jump to search
0.00
(isang boto)

FAQ para sa mga moderator, gumagamit at kompanya/may-ari

FAQ para sa Moderator:

Sino ang pwedeng maging moderator?
Sa ngayon, kahit sinong interesado sa pagsulat ng artikulo ay pwedeng maging moderator. Ang kailangan ay maayos na istilo sa pagsusulat at susunod ka sa aming gabay. Ang membership ay walang bayad.

Anong mga paksa ang pwedeng isulat ng moderator?
Lahat ng paksa ay pwede. Pwede ka ding sumulat ng tungkol sa panaderya o craftsman sa isang maliit na nayon. Pwedeng produkto, anumang paksa o isang kilalang tao. Muli, dito ay mahalaga ang aming gabay para walang masira.

Kailan nababayaran ang compensated – coin na programa?
Sa pagpaparehistro pa lang bawat moderator ay makakakuha ng libreng coin mula sa aming coin partner. Dagdag dito, ang moderator ay babayaran kapag nagsusulat ng artikulo o nag-u-update/upgrade ng artikulo. Hindi ka babayaran bawat salita; ang aming panloob na algorithm ay nagbabayad ng magkakaiba. Hindi ito tungkol lamang sa haba ng artikulo. Ang kalidad, nilalaman ng impormasyon at pangkalahatang aktibidad ng moderator ay mahalaga din.

Paano kumita ng malaki bilang moderator?
Ang mga aktibo at propesyonal na moderator ay makakatanggap ng dagdag na trabaho sa amin, na binabayaran ng hiwalay bawat artikulo. Dahil ang Everything.wiki ay hindi sumusulat ng artikulo ng mag-isa, ipinapasa namin ang mga booking sa aming mga moderator at ibinabahagi ang halaga ng order sa mga moderator. Sa kasong ito pwede naming ipasa ang hanggang 80% ng halaga ng order sa mga moderator.

Paano binabayaran ang moderator?
Binabayaran namin ang mga moderator namin ng napiling cryptocurrency, na aming partner sa kooperasyon. Dahil ang coin na ito ay nasa pagbuo pa rin, babayaran namin lahat ng moderator sa sandaling mailabas ang coin.

Ang karagdagang mga panlabas na order ay binabayaran sa USD o EUR.

Saan magsa-sign up bilang moderator?
Pwede kang magrehistro [DITO] Pagkatapos magrehistro, kailangan mong i-verify ang iyong e-mail address.

Saan makakakuha ng impormasyon tungkol sa kung paano mag-post at mag-edit ng mga artikulo?
Ang karagdagang dokumentasyon ay mahahanap DITO


FAQ para sa Gumagamit:

Sino ang pwedeng maging gumagamit?
Kahit sino, nang walang paghihigpit.

Ano ang magagawa ng gumagamit?
AAng gumagamit ay pwedeng magbasa, magkomento at mag-rate ng mga artikulo. Bilang gumagamit, bahagi ka ng komunidad at pwedeng magbigay sa isa’t isa ng tip at magbahagi ng karanasan, turuan ang mga tao, gumawa ng mga bagong insentibo, o makipagpalitan lamang ng ideya tungkol sa iyong mga paboritong paksa.

Saan magsa-sign up?
Pwede kang mag- sign up [DITO]

Makakakuha din ba ng coin ang mga gumagamit?
Ang partner naming coin ay ibabahagi sa lahat ng gumagamit sa tiyak na oras (gumagamit man o moderator). Para gawin ito, bawat gumagamit ay dapat magrehistro sa grupo sa Telegram at mag-iwan dito ng kahit isang artikulo bilang moderator o magkomento ng kahit 5 salita para sa anumang artikulo o talakayan.


FAQ para sa Kompanya/May-ari:

Sino ang pwedeng magrehistro bilang kompanya? Kahit sino na nagpapatakbo ng negosyo sa anumang anyo (shop, web shop, website, serbisyo, restaurant, hotel at marami pang iba).

Ano ang mga benepisyo ng pagiging kompanya? Ang mga kompanya ay pwedeng gumawa ng profile para sa sarili nila at ipakilala ang kanilang kompanya, serbisyo, o produkto. Pwede itong magkaroon ng positibong epekto sa mga search engine (Google, Yahoo, at Co.). Dagdag pa rito, pwede mong i-brand at ibenta ang mga produkto mo sa iyong profile. Ang mga gumagamit ay pwede ring mag-rate at makipag-ugnayan nang direkta. Ayon sa mga pagsusuri sa Internet, hanggang 70% ng mga mamimili ang nagsasaliksik muna bago magdesisyong bumili. Mas maraming review sa produkto, mas posibleng mabili ito. Isang review lamang ay pwedeng makapagpataas ng posibilidad na mabili ng sampung porsyento. Kung ang isang bisita sa online shop ay nagbabasa ng mga review ng kostumer sa pahina ng produkto, tataas ang rate na makabenta ng 58 porsyento. Sapat na ang nasa 50 review para maramdaman ng gumagamit na subok na ang isang produkto. Mas maraming pakikipag-ugnayan, komento, nilalaman, larawan at teksto ang profile, mas mataas ang posibilidad na ang profile na ito ay mas maganda ang posisyon sa mga search engine.

Pwede bang i-edit ng mga kompanya ang mga artikulo? Ang mga kompanya ay may kakayahang i-lock ang kanilang mga artikulo/profile, para hindi ito ma-edit/ma-update ng ibang moderator. Ito ang dahilan kung bakit tinatawagan din namin ang mga may-ari ng kompanya.

Paano ko mapoprotektahan ang isang artikulo/pahina? Kung gusto mong protektahan ang artikulo mo para walang sinuman ang pwedeng magbago nito, pwede mo itong mabasa ang iba pa tungkol dito, DITO

Pwede bang gumawa ang ibang tao ng profile ng kompanya para sa akin? Oo, ang mga moderator ay pwede ring gumawa ng profile para sa isang kompanya. Pero sa sandaling napatunayan mo na ikaw ang may-ari, pwede mong sakupin ang profile na ito.

Magkano ang membership/profile? Libre ang paggawa ng profile.

Saan magsa-sign up? Pwede kang mag-sign up [DITO]


May iba bang katanungan na hindi pa nasasagot dito? Pwede kang mag-iwan ng komento sa ibaba.


You are not allowed to post comments.