Baybayin

Mula sa Everything Wiki
Jump to navigation Jump to search
0.00
(isang boto)

Padron:Kandid-NA Padron:Infobox writing system Padron:AlibataText

Talaksan:Baybayin sample.svg
Ang mga titik ng Baybayin sa kolasyon nito: A, Ba, Ka, Da, Ga, Ha, La, Ma, Na, Nga, Pa, Sa, Ta, Wa, Ya, E/I, at O/U.

Ang Baybayin (walang kudlit: Padron:Script, krus na pamatay-patinig: Padron:Script, pamudpod na pamatay-patinig: Padron:Script), kilala rin sa maling katawagan[1] nitong Alibata (mula Arabe alifbata) ay isa sa mga suyat na ginamit sa Pilipinas. Isa itong alpasilabaryo, at bahagi ng pamilya ng sulat Brahmi. Laganap ang paggamit nito sa Luzon at sa ilang parte ng Pilipinas noong ika-16 hanggang ika-siglo bago mapalitan ito ng sulat Latin.

Sa kasalukuyan, ginagamit ang Baybayin bilang sining. May mga grupong nabuo para muli itong buhayin at gamitin. May mga batas rin ang nagawa para itaguyod ito pati na rin ang iba pang mga sistema ng panulat ng Pilipinas.[2]

Isinakodigo sa Unicode ang mga titik nito noong 2002. Ipinanukala ito ni Micheal Everson noong 1998 kasama ng sulat Tagbanwa, Hanuno'o, at Buhid.

Ang Sinupan ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila ang may hawak sa kasalukuyan sa pinakamalaking koleksyon ng mga sinaunang pagsulat sa Baybayin sa buong mundo.[3][4][5][6] Dahil rito, binigyan ito ng nominasyon para mapasama sa Talaan ng Pandaigdigang Pamana ng UNESCO, kasama na ang buong unibersidad.

Pangkalahatang-ideya[baguhin]

Padron:See also

Ang alpasilabaryo ay isa sa mga indibidwal na sistema ng pagsulat na ginagamit sa Timog-silangang Asya, halos lahat ay mga abugida; kung saan binibigkas ang anumang katinig nang may kasunod na patinig a—ginagamit ang mga tuldik upang ipahayag ang mga ibang patinig. Karamihan nitong mga sistema ng pagsulat ay nagmula sa mga sinaunang panitik na ginamit sa Indiya noong nakalipas na 2,000 taon, at ang panlahatang katawagan para sa mga Abugida sa Pilipinas ay Baybayin. Mayroong dalawang paraan upang sulatin ang babayin; walang kudlit o may kudlit. Gayunpaman, hindi ito nalalapat sa makabagong sulat kulitan (pinasikat noong dekada 1990), ngunit nalalapat sa Lumang kulitan, nadokumentado noong mga dekada 1690.

Terminolohiya[baguhin]

Ang salitang baybayin ay nangangahulugang "magsulat" o "ispel" sa Tagalog. Inilathala noong 1613, isinalinwika ang tala ng "abakada" (ang alpabeto) sa diksyunaryong Kastila-Tagalog ni San Buenaventura bilang "baibayin" ("Padron:Lang", isinalinwika: "mula sa "baybay", na nangangahulugang "ispel")[7]

Tumutukoy ang "baybayin" sa mga iba pang katutubong sulat sa Pilipinas na Abugida, kabilang ang sulat Buhid, sulat Hanunó'o, sulat Tagbanwa, sulat Kulitan , sulat Tagalog at iba pa. Inirerekomenda ng mga organisasyong pangkultura tulad ng Sanghabi at Heritage Conservation Society na tawaging suyat ang koleksyon ng mga natatanging sulat na ginagamit ng mga iba't ibang katutubong pangkat sa Pilipinas, kabilang ang baybayin, iniskaya, kirim jawi, at batang-arab, na isang terminong walang kinikilingan para sa anumang sulat.[8] Samantala, inirerekomenda ni Jay Enage at iba pang bagong tagapagtaguyod na tawaging baybayin ang mga Abugidang sistema ng pagsulat sa Pilipinas.

Paminsan-minsan, tinatawagang Alibata ang Baybayin,[9][10] isang neolohismo na inilikha ni Paul Rodríguez Verzosa mula sa unang ikatlong titik ng sulat Arabe (ʾalif, bāʾ, tāʾ, tinanggal ang f para maganda pakinggan), marahil sa maling pag-aakala na nagmula ang Baybayin sa sulat Arabe.[1]

Sa makabagong panahon, ang Baybayin ay tinawagang Padron:Lang, Padron:Lang para sa mga Bisaya, Padron:Lang, Padron:Lang para sa mga Ilokano, at Padron:Lang para sa mga Bikolano.[11]

Pinagmulan[baguhin]

Pinagtatalunan ang pinagmulan ng Baybayin at mayroong ilang mga teoriya, dahil wala pang natuklasan na tiyak na katibayan.

Impluwensya ng Dakilang Indiya[baguhin]

Padron:See also

Talaksan:Indian cultural zone.svg
Lawak ng impluwensiya ng India. Ang kulay-kahel ay ang subkontinente ng India.

Ayon sa kasaysayan, napasailalim ang Timog-silangang Asya sa impluwensya ng Sinaunang Indiya, kung saan yumabong ang mararaming nagpaindiyanong prinsipalidad at imperyo nang iilang siglo sa Taylandiya, Indonesya, Malaysia, Singapore, Pilipinas, Kambodya at Biyetnam. Ibinigay ang terminong indianisasyon sa impluwensya ng kulturang Indiyano sa mga lugar na ito.[12] Binigyang-kahulugan ito ni George Coedes, isang arkeologong Pranses, bilang paglaganap ng organisadong kulutra na nakabatay sa mga Indiyanong pinagmulan ng kamaharlikaan, Hinduismo at Budismo at ang dayalektong Sanskrito.[13] Makikita ito sa Pagpaindiyano ng Timog-silangang Asya, paglago ng Hinduismo at Budismo. Inimpluwensyahan rin ng mga pangkarangalang Indiyano ang mga pangkarangalang Malay, Thai, Pilipino at Indones.[14] Kabilang dito ang Raja, Rani, Maharlika, Datu, atbp. na ipinasa mula sa kulturang Indiyano sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga Malay at imperyong Srivijaya.Padron:Cn Naging mahalaga ang papel ng mga Indiyanong kolonista ng Hindu bilang mga propesyonal, mangangalakal, pari at mandirigma.[15][16][17][18] Pinatunay ng mga inskripsyon na ang mga pinakaunang kolonistang Indiyano na nagsipamayan sa Champa at kapuluang Malay, ay nagmula sa dinastiyang Pallava, dahil idinala nila ang kanilang sulat Pallava. Katugmang-katugma ang mga pinakaunang inskripsyon sa Java sa sulat Pallava.[15] Sa unang yugto ng pagpapatibay ng sulat Indiyano, lokal na isinagawa ang mga inskripsyon sa mga wikang Indiyano. Sa ikalawang yugto, ginamit ang mga sulat sa pagsulat ng mga lokal na wika ng Timog-silangang Asya. Sa ikatlong yugto, nabuo ang mga lokal na uri ng mga sulat. Pagsapit ng ika-8 siglo, humiwalay na ang mga sulat tungo sa mga panrehiyong sulat.[19]

Hinangad ni Isaac Taylor na ipakita na ipinakilala ang Baybayin sa Pilipinas mula sa Baybayin ng Bengal ilang panahon bago ang ika-8 siglo. Sa pagtatangkang ipakita ang ganoong relasyon, ipinakita ni Taylor ang mga magrap na representasyon ng mga titik ng Kistna at Assam tulad ng g, k, ng, t, m, h, at u, na kahawig ng mga katumbas na titik sa Baybayin.Ikinatuwiran ni Fletcher Gardner na "napakapareho" ang mga sulat Pilipino at sulat Brahmi,[20] na sinuportahan ni T. H. Pardo de Tavera. Ayon kay Christopher Miller, tila matibay ang ebidensya na talagang nagmula ang Baybayin sa Gujarati.[21]

Sulat ng Timog Sulawesi[baguhin]

Si David Diringer, na tumanggap sa pananaw na nagmula ang mga alpabeto ng kapuluang Malay sa Indiya, ay nagpalagay na nagmula ang mga sulat ng Timog Sulawesi sa sulat Kawi, marahil sa pamamagitan ng sulat Batak of Sumatra. Ayon kay Diringer, idinala ang mga sulat Pilipino sa mga pulo sa pamamagitan ng mga Bugines na titik sa Sulawesi.[22] Ayon kay Scott, malamang na ang pinakamalapit na ninuno ng Baybayin ay isang sulat ng Timog Sulawesi, baka ang Lumang Makassar o isang malapit na ninuno.[23] Ito ay dahil sa kakulangan ng mga huling katinig o kudlit sa Baybayin. Ang mga wika ng Timog Sulawesi ay may limitadong imbentaryo ng pantig-huli na katinig at hindi nila ipinakakatawan sa mga sulat Bugis at Makassar. Ang pinakaposibleng pagpapaliwanag ng kawalan ng pananda ng huling katinig sa Baybayin samakatuwid ay isang sulat ng Timog Sulawesi ang kanyang tuwirang ninuno. Ang Sulawesi ay nasa ibaba mismo ng Pilipinas at mayroong ebidensya ng ruta ng kalakalan sa kanilang pagitan. Samakatuwid, nalinang ang Baybayin sa Pilipinas noong ikalabinlimang siglo PK dahil nalinang ang sulat Bugis-Makassar sa Timog Sulawesi hindi mas nauna sa 1400 PK.[24]

Kawi[baguhin]

Talaksan:Laguna Copperplate Inscription.gif
Ang Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (LCI).

Nagmula ang sulat Kawi sa Java, na nagmula sa sulat Pallava,[25] at ginamit halos sa buong Tabing-dagat na Timog-silangang Asya. Ang inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna ang pinakaunang kilalang nasusulat na dokumento na natuklasan sa Pilipinas. Isa itong legal na dokumento na may nakaukit na petsa ng panahong Saka 822, na tumutugma sa Abril 21, 900 PK. Nakasulat ito sa sulat Kawi sa isang uri ng Lumang Malay na nilalaman ng maraming salitang hiram mula sa Sanskrit at mga iilang di-Malay na elemento ng bokabularyo na hindi malinaw kung nanggaling sa Lumang Habanes o Lumang Tagalog. Ang ikalawang halimbawa ng sulat Kawi ay makikita sa Garing Pantatak ng Butuan, na natagpuan noong dekada 1970 at pinetsahan sa pagitan ng ika-9 at ika-12 siglo. Ito ay sinaunang selyo na gawa sa garing na nagtagpuan sa isang pinaghuhukayan ng mga arkeologo sa Butuan. Idineklara ang selyo bilang Pambansang Kayamanang Pangkultura. Nakaukit sa selyo ang salitang "Butwan" sa nakaistilong Kawi. Matatagpuan ngayon ang selyong garing sa Pambansang Museo ng Pilipinas.[26] Kaya nangangatuwiran ang isang hipotesis na, dahil Kawi ang pinakaunang patotoo ng pagsusulat sa Pilipinas, maaaring nagmula ang Baybayin sa Kawi.

Cham[baguhin]

Talaksan:Chamscript.png
Ang Silangang Sulat Cham.

Maaaring ipinakilala ang Baybayin sa Pilipinas ng mga koneksyong tabing-dagat sa Kahariang Champa. Ikinatutuwiran ni Geoff Wade na ang mga titik ng Baybayin na "ga", "nga", "pa", "ma", "ya" at "sa" ay nagpapakita ng mga katangian na pinakamainam na ipaliwanag sa pagkokonekta sa kanila sa sulat Cham, sa halip ng mga ibang Indikong abugida. Waring mas malapit ang Baybayin sa mga sulat ng timog-silangang Asya kaysa sa sulat Kawi. Nangangatuwiran si Wade na hindi tiyak na patunay ang Inskripsyon sa Binatbat na Tanso para sa pagmumula ng Baybayin sa Kawi, dahil nagpapakita ang inskripsyon ng mga huling katinig, habang hindi nagpapakita ang Baybayin ng mga ganito.[27]

Kasaysayan[baguhin]

Sa mga mahuhugot na materyales, malinaw na ginamit ang Baybayin sa Luzon, Palawan, Mindoro, Pangasinan, Ilocos, Panay, Leyte at Iloilo, ngunit walang nagpapatunay na umabot ang Baybayin sa Mindanao. Tila malinaw na nagsimulang maghiwalay ang paglilinang ng mga uri sa Luzon at Palawan noong ika-16 siglo, bago sinakop ng mga Kastila ang nakikila natin ngayon bilang Pilipinas. Dahil diyan, Luzon at Palawan ang mga pinakalumang rehiyon kung saan nagamit at ginagamit ang Baybayin. Kapansin-pansin din kung paano nilinang ang sulat sa Pampanga ng mga katangi-tanging hugis para sa apat na titik noong unang bahagi ng siglong 1600, na kakaiba sa mga ginagamit sa ibang lugar. Nagkaroon ng tatlong medyo naiibang uri ng Baybayin sa huling bahagi ng siglong 1500 at siglong 1600, ngunit hindi sila mailalarawan bilang tatlong magkaibang sulat kung paanong may iba't ibang istilo ng sulat Latin sa buong edad medyang o modernong Europa na may medyo naiibang grupo ng mga titik at sistema ng pagbaybay.[3][28]

Sa modernong panahon, ang Baybayin ay tinatawagang Padron:Lang, Padron:Lang ng mga Bisaya, Padron:Lang, Padron:Lang ng mga Ilokano, at Padron:Lang ng mga mga Bikolano.[11]

Mga iba't ibang uri ng Baybayin
Sulat Rehiyon Halimbawa
Baybayin Katagalugan 150px
Uring Sambal Zambales 150px
Uring Ilokano, Ilokano: "Padron:Lang" Ilocos 150px
Uring Bikolano, Bikolano: "Padron:Lang" Kabikulan Surat Basahan
Uring Pangasinense Pangasinan 150px
Uring Bisaya, Bisaya: "Padron:Lang" Kabisayaan 150px
Uring Kapampangan, Kapampangan: "Padron:Lang" Gitnang Luzon 150px


Lumang kasaysayan[baguhin]

Nakaukit sa isang tapayang panlibing, na tinatawagang "Palayok ng Calatagan," na natagpuan sa Batangas ang mga titik na kapansin-pansing kahawig ng Baybayin, at sinasabing inukit s. 1300 PK. Gayunpaman, hindi pa pinapatunayan ang kanyang awtentisidad.[29][30]

Kahit na isinulat ni Antonio Pigafetta, isa sa mga kasama ni Fernando de Magellanes sa barko, na hindi nulat noong 1521, dumating na ang Baybayin doon noong 1567 nang iniulat ni Miguel López de Legazpi mula sa Cebu na, "Mayroon silang [ang mga Bisaya] kanilang sariling mga titik at karakter kagaya ng mga Malay, kung kanino sila natuto; pinagsusulatan nila ang balat ng kawayan at dahon ng palma gamit ang isang matulis na instrumento, ngunit walang matatagpuan na sinaunang pagsusulat sa kanila, at wala ring salita ng kanilang pinagmulan at pagdating sa kapuluan, pinepreserba ang kanilang kaugalian at mga ritwal sa pamamagitan ng mga tradisyong ipinapasa-pasa buhat sa ama hanggang sa anak nang walang ibang tala."[31] Pagkatapos ng isang siglo, noong 1668, isinulat ni Francisco Alcina: "Ang mga karakter nitong mga katutubo [mga Bisaya], o, mas mainam sabihing, ang mga ginagamit nang iilang taon sa mga bahaging ito, isang sining na ipinarating sa kanila ng mga Tagalog, at natutunan naman nila mula sa mga Borneano na nagmula sa dakilang pulo ng Borneo patungo sa Maynila, at kung kanino sila lubhang nakikipagpalitan... Mula sa mga Borneanong ito natutunan ng mga Tagalog ang kanilang mga karakter, at mula sa kanila natutunan ang mga Bisaya, kaya tinatawagan nilang mga Moro na karakter o titik dahil itinuro nito ng mga Moro... natutunan [ng mga Bisaya] ang mga titik [ng mga Moro], na ginagamit ng marami ngayon, at mas ginagamit ng mga kababaihan kaysa sa kalalakihan, at mas nadadalian sa pagsulat at pagbasa kaysa sa nahuli."[1] Ipinaliwanag ni Francisco de Santa Inés noong 1676 kung bakit mas karaniwan ang Baybayin sa mga kababaihan, dahil "wala silang ibang paraan para magsayang ng oras, dahil hindi kaugalian na pumasok ang mga batang babae na pumasok tulad ng mga batang lalaki, higit na napapakinabangan nila ang kani-kanilang mga karakter kaysa sa mga kalalakihan, at ginagamit nila sa mga bagay ng debosyon, at sa mga ibang bagay, na hindi debosyon."[32]

Talaksan:DoctrinaChristianaEspanolaYTagala8-9.jpg
Mga pahina ng Doctrina Christiana (1593), ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas.Nasa wikang Kastila at Tagalog ito, at nakasulat sa magkahalong sulat Latin at Baybayin.

Ang pinakaunang nailathalang aklat sa isang wika ng Pilipinas, na nagtatampok ng Tagalog sa Baybayin at isinatitik sa sulat Latin, ay ang Doctrina Christiana en Lengua Española y Tagala ng 1593. Pangunahing nakasalig ang tekstong Tagalog sa isang manuskrito na isinulat ni P. Juan de Placencia. Pinangasiwaan nina Prayle Domingo de Nieva at Juan de San Pedro Martyr ang paghahanda at paglalathala ng aklat, na isinagawa ng isang di-pinanganlang Tsinong artisano. Ito ang pinakaunang halimbawa ng Baybayin na umiiral ngayon at ito ang tanging halimbawa sa siglong 1500. Mayroon ding serye ng mga legal na dokumento na nilalaman ng Baybayin, na nakapreserba sa mga Kastilang at Pilipinong arkibo na sumasaklaw ng higit sa isang siglo: ang tatlong pinakaluma, lahat nasa Archivo General de Índias sa Seville, ay mula noong 1591 at 1599.[33][28]

Binanggit ni Pedro Chirino, isang Kastilang pari, noong 1604 at Antonio de Morga noong 1609 na alam ng karamihan ng mga Pilipino ang Baybayin, at karaniwang ginamit para sa mga personal na pagsusulat, panulaan, atbp. Gayunpaman, ayon kay William Henry Scott, may mga datu mula sa dekada 1590 na hindi kayang maglagda ng mga apidabit o panunumpa, at saksi na hindi kayang maglagda ng mga titulo ng lupa noong dekada 1620.[23]

Talaksan:Ilokano baybayin prayer.gif
Amami, isang bahagi ng Ama Namin sa Ilokano, na nakasulat sa Ilokanong Baybayin (Kur-itan, Kurdita), ang unang paggamit ng krus-kudlit.[28][34]

Noong 1620, isinulat ang Libro a naisurátan amin ti bagás ti Doctrina Cristiana ni P. Francisco Lopez, isang Ilokano Doctrina ang unang Ilokanong Baybayin, nakasalig sa katekismong isinulat ni Kardinal Belarmine.[28] Mahalagang sandali ito sa kasaysayan ng Baybayin, dahil ipinakilala sa unang pagkakataon ang krus-kudlit, na nagpahintulot sa mga katinig na di-binibigkas. Nagkomento siya ng mga sumusunod sa kanyang desisyon[1]: "Ang dahilan sa paglalagay ng teksto ng Doctrina sa sulat Tagalog... ay para magsimula ang pagwawasto ng nasabing sulat Tagalog, na, sa kasalukuyang kalagayan, ay napakadepektibo at nakalilito (dahil walang paraan hanggang ngayon para ipahiwatig ang mga huling katinig - ibig kong sabihin, ang mga walang patinig) na kinakailangan ng pinakamatalinong mambabasa na huminto at pagnilayan ang mararaming salita upang magpasiya kung anong bigkas ang nilayon ng manunulat." Gayunpaman, hindi kumagat ang krus-kudlit, o virama kudlit, sa mga gumagamit ng Baybayin. Kinonsulta ang mga katutubong eksperto sa Baybayin tungkol sa bagong inimbento at hinihilingang gamitin ito sa lahat ng kanilang mga sulat. Matapos purihin ang inimbento at magpasalamat, pinasya nila na hindi ito matatanggap sa kanilang pagsusulat dahil "Kumontra ito sa katutubong katangian at uri na ipinagkaloob ni Bathala sa kanilang pagsusulat at ang paggamit nito ay katumbas ng pagsisira ng Palaugnayan, Prosodi at Ortograpiya ng kanilang wikang Tagalog sa isang dagok."[35]

Noong 1703, naiulat na ginagamit pa rin ang Baybayin sa Comintan (Batangas at Laguna) at mga ibang bahagi ng Pilipinas.[36]

Kabilang sa mga pinakaunang panitikan ukol sa ortograpiya ng mga mga wikang Bisaya ang mga akda ni Ezguerra, isang Hesuitang pari, sa kanyang Padron:Lang noong 1747[37] at Mentrida sa kanyang Padron:Lang noong 1818 na pangunahing nagtalakay ng istraktura ng bararila.[38] Batay sa mga iba't ibang sanggunian sa loob ng maraming siglo, naiba ang mga dokumentadong silabaryo sa anyo.Padron:Linawin

Talaksan:Monreal stone.jpg
Ang batong Monreal, na pinakasentro sa seksyon ng Baybayin ng Pambansang Museo ng Antropolohiya.

Ang inskripsyon sa batong Ticao, kilala rin bilang batong Monreal o batong Rizal, ay isang tabletang apog na naglalaman ng Baybayin. Natagpuan ng mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Rizal sa Pulong Ticao sa bayan ng Monreal, Masbate, na nagsikayod ng putik sa kani-kanilang sapatos at tsinelas sa dalawang di-pantay na tabletang apog bago pumasok sa kanilang silid-aralan, nakalagay na ang mga ito sa isang seksyon ng Pambansang Museo ng Pilipinas, na tumitimbang ng 30 kilo, may 11 sentimetrong kapal, 54 sentimetrong haba at 44 sentimetrong lapad habang ang isa pa ay 6 sentimetrong kapal, 20 sentimetrong haba at 18 sentimetrong lapad.[39][40]

Pagkawala[baguhin]

Maaaring naging sanhi ang pagkalito sa mga patinig (i/e at o/u) at huling katinig, mga nawawalang titik para sa mga tunog ng Kastila at prestihiyo ng kultura at pagsulat ng Kastila sa pagkawala ng Baybayin sa paglipas ng panahon sa karamihan ng mga bahagi ng Pilipinas. Nakatulong din sa mga Pilipino ang pag-aaral ng alpabetong Latin sa sosyoekonomikong pagsusulong sa ilalim ng mga Kastila, dahil maaaring silang umangat sa masasabing prestihiyosong puwesto tulad ng mga klerk, tagasulat at kalihim.[1] Pagsapit ng 1745, isinulat ni Padron:Ill sa kanyang Arte de la lengua tagala na “Bihira lamang ngayon ang Indio [Pilipino] na marunong bumasa [ng Baybayin], at mas bihira pa ang marunong magsulat [ng Baybayin]. Silang lahat ngayon ay nagsusulat at nagbabasa sa aming mga Kastilang titik [alpabetong Latin].”[41] Sa pagitan ng 1751 at 1754, isinulat ni Juan José Delgado na "inilaan ng mga [katutubong] tao ang kanilang sarili sa paggamit ng aming sulat [Latin]"[42].

Ang kawalan ng mga pre-Hispanikong ispesimen ng paggamit ng Baybayin ay humantong sa karaniwang maling akala na sinunog o pinuksa ng mga Kastilang prayle ang pagkarami-raming katutubong dokumento. Isa sa mga iskolar na nagpanukala ng teoryang ito si H. Otley Beyer, isang antropologo at mananalaysay na nagsulat sa "The Philippines before Magellan" (1921) na, "Ipinagmalaki ng isang Kastilang pari sa Timog Luzon na pinuksa niya ang higit sa tatlong daan na balumbon na pinagsulatan ng mga katutubong karakter". Naghanap nang naghanap ang mga mananalaysay ang pinagmulan ng pahayag ni Beyer, ngunit walang nakapagpatunay ang pangalan ng nasabing pari.[43] Walang direktang dokumentadong ebidensya ng malaking pinsala ng mga pre-Hispanikong dokumento ng mga Kastilang misyonero at alinsunod dito, tinanggihan ng makabagong iskolar tulad ni Paul Morrow at Hector Santos[44] ang mga mungkahi ni Beyer. Partikular na iminungkahi ni Santos na posibleng sinunog lamang ng mga Kastilang prayle ang mga manaka-nakang maikling dokumento ng orasyon, sumpa at tawal na itinuring bilang masama, at ang mga unang misyoneryo ay nagsagawa lamang ng pagpuksa ng mga Kristiyanong manuskrito na hindi katanggap-tanggap ng Simbahan. Tinanggihan ni Santos ang ideya na sistematikong pinasunog ang mga sinaunang pre-Hispanikong manuskrito.[45] Naitala rin ni Morrow, isang iskolar, na walang kaganapang nakatala ng mga sinaunang Pilipinong nagsusulat sa mga balumbon, at ang pinakamalamang na dahilan kung bakit walang natirang mga pre-Hispanikong dokumento ay nagsulat sila sa mga nasisirang bagay tulad ng dahon at kawayan. Idinagdag pa niya na maaaring ikatuwiran na nakatulong ang mga Kastilang prayle sa pagpepreserba ng Baybayin sa pamamagitan ng pagdokumento at paggamit nito kahit na tinalikuran na ito ng karamihan ng mga Pilipino.[43]

Sinasabi ni Isaac Donoso, isang iskolar, na nagkaroon ng mahalagang papel ang mga dokumentong nakasulat sa katutubong wika at katutubong sulat (lalo na ang Baybayin) sa hudisyal at legal na buhay ng kolonya at itinala na marami pa ring matatagpuang dokumento sa panahong kolonyal na nakasulat sa Baybayin sa mga iilang repositoryo, kabilang dito ang silid-aklatan ng Unibersidad ng Santo Tomas.[46] Napansin din niya na hindi sinugpo ng mga unang Kastilang misyonero ang paggamit ng Baybayin ngunit sa halip niyo ay maaaring itinaguyod nila ang Baybayin bilang hakbang upang pigilan ang Islamisasyon, dahil lumilipat ang wikang Tagalog mula Baybayin patungo sa Jawi, ang isina-Arabeng sulat ng lipunang napa-Islam sa Timog-silangang Asya.[47]

Habang may naitalang di-kukulangin sa dalawang kaso ng pagsunog ng mga libritong Tagalog ng mga pormula sa salamangka noong unang bahagi ng panahon ng mga Kastila, nagkomento rin si Jean Paul-Potet (2017), isang iskolar, na nakasulat ang mga librito sa alpabetong Latin at hindi sa katutubong Baybayin.[48] Wala ring mga ulat ng mga banal na kasulatan ng mga Tagalog, dahil hindi nila isinulat ang kanilang kaalaman sa teolohiko at ipinasa nang bibigan habang inilaan ang paggamit ng Baybayin para sa mga sekular na layunin at mga anting-anting.[49]

Mga modernong inapo[baguhin]

Padron:Main Ang mga natitirang modernong sulat na tuwirang nagmula sa Baybayin sa pamamagitan ng likas na pangyayari ang sulat Tagbanwa na minana ng mga Palawano mula sa mga Tagbanwa at pinangalanang Ibalnan, at sulat Buhid at sulat Hanunóo sa Mindoro. Pinalitan ang sinaunang sulat Kapampangan na ginamit noong siglong 1600 ng artipisyal na sulat na tinatawagang "makabagong Kulitan". Walang ebidensya para sa mga iba pang panrehiyong sulat; tulad ng makabagong eksperimento sa Pampanga. Alinmang ibang sulat ay mga kamakailang likha batay sa isa o isa pa sa mga abesedaryo mula sa mga lumang Kastilang paglalarawan.[3]

Makabagong Indikong sulat
Sulat Rehiyon Halimbawa
Sulat Ibalnan Palawan 150px
Sulat Hanunuo Mindoro 150px
Sulat Buhid Mindoro 150px
Sulat Tagbanwa Gitnang at Hilagang Palawan 150px

Mga katangian[baguhin]

Talaksan:Filipino sword filipino dha baybayin script.JPG
Isang espadang dha na pinag-ukitan ng Baybayin.

Ang Baybayin ay isang Abugida (alpasilabryo), na gumagamit ng mga kombinasyon ng katinig at patinig. Ang bawat karakter o titik[50], habang nakasulat sa payak na anyo, ay isang katinig na nagtatapos sa patinig na "A". Upang isulat ang isang katinig na nagtatapos sa ibang patinig, inilalagay ang isang marka na tinatawagang kudlit[50] sa itaas ng titik (upang tumunog ng "E" o "I") o sa ibaba ng titik (upang tumunog ng "O" o "U"). Upang magsulat ng mga salita nagsisimula sa patinig, ginagamit ang tatlong titik, tig-isa para sa A, E/I at O/U.

Palatitikan[baguhin]

Halimbawa ng mga glipo (gawang-kamay o istilong panggayak) para sa mga saligang titik
Nagsasariling patinig Batay na katinig (na may ipinahiwatig na patinig a)
aa i/ei/e u/ou/o kaka gaga nganga tata dada/ra nana papa baba mama yaya lala wawa sasa haha
Ang mga saligang titik kasama ng lahat ng mga kombinasyon ng katinig-patinig at virama
Mga Patinig
a Padron:Script
i
e
Padron:Script
u
o
Padron:Script
virama Padron:Script
Ba/Va
ba/va Padron:Script
bi/be
vi/ve
Padron:Script
bu/bo
vu/vo
Padron:Script
/b/
/v/
Padron:Script
Ka
ka Padron:Script
ki
ke
Padron:Script
ku
ko
Padron:Script
/k/ Padron:Script
Da/Ra
da/ra Padron:Script
di/ri
de/re
Padron:Script
du/ru
do/ro
Padron:Script
/d/
/r/
Padron:Script
Ta
ta Padron:Script
ti
te
Padron:Script
tu
to
Padron:Script
/t/ Padron:Script
Ga
ga Padron:Script
gi
ge
Padron:Script
gu
go
Padron:Script
/g/ Padron:Script
Ha
ha Padron:Script
hi
he
Padron:Script
hu
ho
Padron:Script
/h/ Padron:Script
La
la Padron:Script
li
le
Padron:Script
lu
lo
Padron:Script
/l/ Padron:Script
Ma
ma Padron:Script
mi
me
Padron:Script
mu
mo
Padron:Script
/m/ Padron:Script
Wa
wa Padron:Script
wi
we
Padron:Script
wu
wo
Padron:Script
/w/ Padron:Script
Na
na Padron:Script
ni
ne
Padron:Script
nu
no
Padron:Script
/n/ Padron:Script
Nga
nga Padron:Script
ngi
nge
Padron:Script
ngu
ngo
Padron:Script
/ŋ/ Padron:Script
Pa/Fa
pa/fa Padron:Script
pi/pe
fi/fe
Padron:Script
pu/po
fu/fo
Padron:Script
/p/
/f/
Padron:Script
Sa/Za
sa/za Padron:Script
si/se
zi/ze
Padron:Script
su/so
zu/zo
Padron:Script
/s/
/z/
Padron:Script
Ya
ya Padron:Script
yi
ye
Padron:Script
yu
yo
Padron:Script
/j/ Padron:Script

Tandaan na itinatampok sa ikalawa-sa-huling hanay ang pamudpod virama " ᜴", na ipinakilala ni Antoon Postma sa sulat Hanunuo. Ang huling hanay ng mga kumpol na may krus-kudlit virama "+", ay idinagdag sa orihinal na sulat, ipinakilala ni Francisco Lopez, isang Kastilang pari noong 1620.

May isang simbolo lamang para sa Da o Ra dahil alopono ang mga ito sa karamihan ng mga wika ng Pilipinas, kung saan nagiging Ra ito sa pagitan ng mga patinig at nagiging Da sa mga ibang posisyon. Napanatili ang ganitong alituntunin ng balarila sa makabagong Filipino, kaya kapag may d sa pagitan ng dalawang patinig, nagiging r ito, tulad sa mga salitang dangal at marangal, o dunong at marunong, at kahit sa raw at daw at sa rin at din pagkatapos ng mga patinig.[1] Gayunpaman, mayroong hiwalay na simbolo para sa Da at Ra para sa ibang uri ng Baybayin tulad ng Sambal, Basahan, at Ibalnan; upang banggitin lamang ang ilan.

Ginagamit din ang parehong simbolo upang kumatawan sa Pa at Fa (o Pha), Ba at Va, at Sa at Za na katunog din. Kinatawan ng isang titik ang nga. Pinanatili ng kasalukuyang bersyon ng alpabetong Filipino ang "ng" bilang digrapo. Bukod sa mga ponetikong pagsasaalang-alang na ito, monokameral ang sulat at hindi gumagamit ng maliit at malaking titik upang ipakitang iba ang mga pangalang pantangi o unang titik ng mga salitang nagsisimula ng mga pangungusap.

Virama Kudlit[baguhin]

Naging lalong mahirap ang orihinal na pamamaraan ng pagsulat para sa mga Kastilang pari na nagsasalinwika ng mga aklat tungo sa mga bernakular, dahil noong una hindi isinasama ng Baybayin ang huling katinig na walang patinig. Maaaring ikalito ito ng mga mambabasa sa anong salita o bigkas ang nilayon ng manunulat. Halimbawa, 'bu-du' ang pagbaybay sa 'bundok', na hindi isinasama ang huling katinig ng bawat pantig. Dahil dito, ipinakilala ni Francisco Lopez ang kanyang kudlit noong 1620 na tinatawagang sabat o krus na nagkansela sa pahiwatig na tunog ng patinig a at nagpahintulot sa pagsusulat ng huling katinig. Isinulat ang kudlit sa anyo ng tandang "+",[52] na may kaugnayan sa Kristiyanismo. Pareho ang silbi nitong malakrus na kudlit sa virama sa sulat Devanagari sa Indiya. Sa katunayan, tinatawagang Tagalog Sign Virama ang kudlit ng Unicode.

Bantas at pagitan[baguhin]

Noong una, ang Baybayin ay may iisang bantas lamang (Padron:Script), na tinawagang Bantasan.[50][53] Ngayon, gumagamit ang Baybayin ng dalawang bantas, ang solong bantas (Padron:Script), na nagsisilbi bilang kuwit o tagahati ng talata, at ang dobleng bantas (Padron:Script), na nagsisilbi bilang tuldok o pangwakas ng talata. Kahawig ang mga bantas na ito sa solong at dobleng danda sa mga ibang Indikong Abugida at maaaring ilahad nang patayo tulad ng mga Indikong danda, o nang pahilis tulad ng mga bantas na pahilis.

Nagkakaisa sa paggamit ng mga bantas ang lahat ng mga sulat Pilipino at isinakodigo ng Unicode sa bloke ng sulat Hanunóo.[54] Hindi ginamit sa kasaysayan ang paghihiwalay sa mga salita dahil isinulat nang patuloy ang mga salita, ngunit karaniwan ito ngayon.[1]

Pagtitipon[baguhin]

  • Sa Doctrina Christiana, ang mga titik ng Babayin ay pinagtipon (nang walang anumang koneksyon sa iba pang magkatulad na panitik, maliban sa pag-ayos ng mga patinig bago ang mga katinig) bilang:
    A, U/O, I/E; Ha, Pa, Ka, Sa, La, Ta, Na, Ba, Ma, Ga, Da/Ra, Ya, NGa, Wa.[55]
  • Sa Unicode, pinagtipon ang mga titik nang magkauugnay sa mga ibang painitik-Indiko, ayon sa ponetikong kalapitan para sa mga katinig:
    A, I/E, U/O; Ka, Ga, Nga; Ta, Da/Ra, Na; Pa, Ba, Ma; Ya, La, Wa, Sa, Ha.[56]

Paggamit[baguhin]

Pre-kolonyal at kolonyal na paggamit[baguhin]

Sa kasaysyan, ginamit ang Baybayin sa mga lugar kung saan sinasalita ang Tagalog at sa mas maliit na sakop, ang Kapampangan. Kumalat sa mga Ilokano ang paggamit nito noong itinaguyod ng mga Kastila ang kanyang paggamit sa paglathala ng mga Bibliya.

Binigyang pansin ni Pedro Chirino, isang Kastilang pari, noong 1604 at Antonio de Morga noong 1609 na marunong ang karamihan ng mga Pilipino sa Baybayin, at sinabi na halos walang lalaki at mas bihira pa ang babae na hindi bumabasa at nagsusulat sa mga titik na ginagamit sa "pulo ng Maynila".[27] Itinala na hindi sila nagsusulat ng mga aklat o nagrerekord, ngunit ginamit ang Baybayin para sa mga personal na pagsusulat tulad ng mga maliliit na nota at mensahe, tula at paglagda ng mga dokumento.[23]

Ayon sa kaugalian, isinulat ang Baybayin sa mga dahon ng palma gamit ang mga panulat o sa kawayan gamit ang mga kutsilyo.[57] Ang kurbadong hugis ng mga titik ng Baybayin ay tuwirang resulta nitong pamana; nakapupunit sa dahon ang mga tuwid na linya.[58] Nang maukit ang mga titik sa kawayan, pinapahiran ito ng abo upang lumitaw ang mga titik. Binanggit ng isang di-kilalang sanggunian mula sa 1590 na:

Padron:Quote

Talaksan:UST Baybayin Document.png
1613 (Dokumento A) at 1625 (Dokumento B)

Noong panahon ng mga Kastila, nagsimulang isulat ang karamihan ng Baybayin gamit ang tinta sa papel o inilalathala sa mga aklat (gamit ang mga bloke ng kahoy) upang padaliin ang pagkalat ng Kristiyanismo.[59] Sa mga ilang bahagi ng bansa tulad nh Mindoro nanatili ang kinaugaliang paraan ng pagsusulat.[23] Ikinakatuwiran ni Isaac Donoso, isang iskolar, na mahalaga ang papel ng mga dokumentong nakasulat sa katutubong wika at sa Baybayin sa hudisyal at legal na buhay ng kolonya.[46]

Tinatalakay ng Dokumentong Baybayin ng Unibersidad ng Santo Tomas ang dalawang legal na transaksyon ng lupa't bahay noong 1613, na nakasulat sa Baybayin, (binansagang Dokumento A na pinetsahang Pebrero 15, 1613)[60] at 1625 (binansagang Dokumento B na pinetsahang Disyembre 4, 1625)[61]

Makabagong paggamit[baguhin]

Talaksan:Philippine passport (2016 edition) Baybayin.jpg
Pasaporte ng Pilipinas (edisyong 2016) na nagpapakita ng sulat Baybayin

Pana-panahong naimungkahi ang iilang panukalang-batas na nilalayong itaguyod itong sistema ng pagsulat, kabilang dito ang "National Writing System Act" (Panukalang Batas ng Kapulungan 1022[62]/Panukalang Batas ng Senado 433[63]). Ginagamit ito sa pinakakasalukuyang serye ng Bagong Salinlahing Baryang Salapi ng piso ng Pilipinas na inilabas noong huling sangkapat ng 2010. "Pilipino" ang salita na ginamit sa mga pera (Padron:Script).

Ginagamit din ito sa mga pasaporte ng Pilipinas, lalo na sa pinakabagong edisyon ng e-pasaporte na inilabas noong 11 Agosto 2009 patuloy. Ang mga pahinang gansal ng mga pahinang 3–43 ay may "Padron:Script" ("Ang katuwiran ay nagpapadakila sa isang bayan") bilang pagtukoy sa Kawikaan 14:34.

Mga halimbawa[baguhin]

Ama Namin[baguhin]

Sulat Baybayin Sulat Latin

Ama namin, sumasalangit ka,
Sambahín ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharián mo,
Sundin ang loób mo,
Dito sa lupà, para nang sa langit.

Bigyán mo kamí ngayón ng aming kakanin sa arau-arau;
At patawarin mo kamí sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.

At huwág mo kamíng ipahintulot sa tuksó,
At iadyâ mo kamí sa masama. Siya nawâ.

Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatang Pantao[baguhin]

Sulat Baybayin Sulat Latin
Padron:Script

Padron:Script

Padron:Lang

Padron:Lang

Padron:Lang

Padron:Lang

Pambansang sawikain ng Pilipinas[baguhin]

Panitik-Baybayin Panitik-Latin
Padron:Script Padron:Lang
Padron:Script Padron:Lang

Mga halimbawang pangungusap[baguhin]

Unicode[baguhin]

Idinagdag ang Baybayin sa Pamantayang Unicode noong Marso, 2002 sa paglabas ng bersyong 3.2.

Bloke[baguhin]

Padron:Main Kabilang sa Unicode sa ilalim ng pangalang 'Tagalog'.

Sakop ng Baybayin-Tagalog sa Unicode: U+1700–U+171F

Padron:Unicode chart Tagalog

Tipaan[baguhin]

Gboard[baguhin]

Talaksan:Baybayin Keyboad by Gboard Screenshot.png
Isang screenshot ng tipaang Baybayin sa Gboard.

Isinapanahon ang talaan ng suportadong wika ng Gboard, isang virtual keyboard app na binuo ng Google para sa Android at iOS noong Agosto 1, 2019.[64] Kabilang dito ang lahat ng bloke ng Unicode Baybayin: Baybayin-Buhid bilang "Buhid", Baybayin-Hanunoó bilang "Hanunuo", Baybayin-Tagalog bilang "Filipino (Baybayin), at Baybayin-Tagbanwa bilang "Aborlan".[65] Idinisenyo ang tipaan ng Baybayin-Tagalog ("Filipino (Baybayin)") para madaling gamitin habang pinipindot ang titik. Ipinapakita ang mga panandang patinig para sa e/i at o/u, pati na rin ang kudlit (pagkansela ng tunog-patinig) sa gitna ng pagkakaayos ng tipaan.

Philippines Unicode Keyboard Layout na may Baybayin[baguhin]

Posibleng magmakinilya ng Baybayin nang direkta mula sa tipaan nang hindi gumagamit ng mga online typepad. Kabilang sa Philippines Unicode Keyboard Layout[66] ang mga iba't ibang uri ng pagkakayos ng Baybayin para sa mga iba't ibang tagagamit ng tipaan: QWERTY, Capewell-Dvorak, Capewell-QWERF 2006, Colemak, at Dvorak. Magagamit ang lahat ng mga ito sa mga instalasyon ng Microsoft Windows at GNU/Linux 32-bit at 64-bit.

Maaaring i-download ang pagkakaayos ng tipaan na may Baybayin sa pahinang ito.

Tingnan din[baguhin]

Talasanggunian[baguhin]

Padron:Reflist

Mga kawing panlabas[baguhin]

Padron:Commons category

Padron:Baybayin

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Padron:Cite web
  2. Padron:Cite webPadron:PD-notice
  3. 3.0 3.1 3.2 Padron:Cite web
  4. Padron:Citation.
  5. Padron:Citation.
  6. Padron:CitationPadron:Dead link.
  7. Padron:Cite web
  8. Padron:Cite web
  9. Padron:Cite book
  10. Padron:Cite book
  11. 11.0 11.1 Padron:Cite conference
  12. Padron:Cite web
  13. Padron:Cite book
  14. Padron:Cite web
  15. 15.0 15.1 Padron:Cite book
  16. Padron:Cite conference
  17. Padron:Cite book
  18. Padron:Cite journal
  19. Padron:Cite book
  20. Padron:Cite book
  21. Padron:Cite journal
  22. Padron:Cite book
  23. 23.0 23.1 23.2 23.3 Padron:Cite book
  24. Padron:Cite thesis
  25. Padron:Cite book
  26. National Museum Collections Seals [Koleksyon ng Selyo ng Pambansang Museo] (sa Ingles).
  27. 27.0 27.1 Padron:Cite journal
  28. 28.0 28.1 28.2 28.3 Kamalian sa pagtukoy: Hindi tanggap ang tatak na <ref>; walang tekstong ibinigay para sa mga sangguniang (ref) pinangalanang pmorrowchart
  29. https://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/in-focus/the-mystery-of-the-ancient-inscription-an-article-on-the-calatagan-pot
  30. Padron:Cite journal
  31. Padron:Cite book
  32. Padron:Cite book
  33. Padron:Cite journal
  34. Padron:Cite web
  35. Padron:Cite book
  36. Padron:Cite book
  37. Padron:Cite book
  38. Padron:Cite book
  39. Padron:Cite web
  40. Padron:Cite conference
  41. Padron:Cite book
  42. Padron:Cite book
  43. 43.0 43.1 Padron:Cite web
  44. Padron:Cite web
  45. Padron:Cite web
  46. 46.0 46.1 Padron:Cite journal
  47. Padron:Cite journal
  48. Padron:Cite book
  49. Padron:Cite book
  50. 50.0 50.1 50.2 Padron:Cite book
  51. Padron:Cite journal
  52. Padron:Cite web
  53. Padron:Cite book
  54. Padron:Cite web
  55. Padron:Cite web
  56. Unicode Baybayin Tagalog variant
  57. Padron:Cite book
  58. Padron:Cite web
  59. Padron:Cite journal
  60. Padron:Cite web
  61. Padron:Cite web
  62. Padron:Cite web
  63. Padron:Cite web
  64. Padron:Cite web
  65. Padron:Cite web
  66. Padron:Cite web


You are not allowed to post comments.