Lamido Philippines

Mula sa Everything Wiki
Jump to navigation Jump to search
0.00
(isang boto)

Ang Lamido Philippines ay isang buy and sell (bumibili at nagbebenta) websayt[1] kung saan maaring magbenta at bumili ng iba't ibang klase ng gamit tulad ng kagamitang pambahay, pampaganda, pangkalusugan, mga aksesorya, gadyets at marami pang iba. Ang Lamido ay isang pakikipagsapalaran ng Rocket Internet, isang ecommerce na kumpanya[2] na nakabase sa Alemanya. Kilala ang Rocket Internet sa pagbuo ng iba't ibang kumpanya sa Europa at Asya at pati na rin sa ibat ibang sulok ng mundo.

Kasaysayan[baguhin]

Ang Lamido Philippines ay itinatag noong Enero 2014, sumunod sa mga nauna na nitong kahalintulad sa Timog-silangang Asya. Ang mga naunang nailunsad na kahalintulad nito ay ang Lamido Vietnam,[3] Lamido Indonesia,[4] at Lamido Malaysia.[5] Ang logo ng Lamido ay sumisimbolo ng pag-apruba ng publiko sa pamamagitan ng pagtaas ng hinlalaki. Ang disenyo ng websayt ay pinaghalong kulay ng asul at kahel.

Mga produkto[baguhin]

Sa Lamido Philippines, makakakita ng iba’t ibang produkto na nakagrupo sa iba-ibang kategorya tulad ng kagamitang pambahay, aksesorya, alahas, elektronika, relos at marami pang iba. Ang websayt ng Lamido ay binuo na nakaayon sa mga patakaran na pumuprotekta sa seguridad[1] ng parehong mamimili at nagbebenta. Pinahahalagahan din ng Lamido ang impormasyon ng mga gumagawa ng transaksyon[2] Padron:Webarchive sa websayt. Ang pamimili sa Lamido ay sa pamamagitan ng bank transfer at cash on delivery (COD).[3] Padron:Webarchive

Nitong Setyembre 2014, Ang Lamido ay naglabas ng mobile app para sa mga gumagamit ng smartphones at android phones. Ito ay naging posible ayon na rin sa lumalaking demand ng publiko para sa mas mabilis at madaling pamamaraan ng online shopping. Sa pamamagitan ng Lamido App[4] Padron:Webarchive, maaari nang mamili ng iba’t ibang gamit sa pamamagitan ng mobile phone. Maaari na ring maging updated sa mga kasalukuyang online deals sa website kahit saan mang sulok ng Pilipinas kung may naka-install na Lamido App sa cellphone.

Pagtanggap ng publiko[baguhin]

Ayon sa Third Team Media, isang social media at digital marketing na kompanya na nakabase sa Cebu, ang Lamido ay isa sa mga papaangat na tindahan ng mga gamit online.[6] Tinagurian din nito ang Lamido bilang isang kumpanya na nagbibigay ng pinakamagandang deals sa mga mamimili.

Rocket Internet[baguhin]

Ang Rocket Internet ay isang kumpanya na itinatag ng Samwer Brothers noong 1997 at matatagpuan sa Berlin, Germany. Kilala ito bilang isang kumpanya na bumubuo ng iba’t ibang klaseng kumpanya sa buong mundo.[7] Sa kasalukuyan, mayroong mahigit isang daang kumpanya ang Rocket Internet sa humigit kumulang limampung bansa.

Mga kumpanya ng Rocket sa Pilipinas[baguhin]

  • Lazada – ang nangungunang online shopping store na nagbebenta ng iba’t ibang gamit
  • EasyTaxi – isang dinibelop na mobile app at ginagamit sa pagarkila ng taxi
  • Carmudi – isang websayt na nagbebenta ng mga bago at lumang kotse
  • Lamudi – isang websayt kung saan pwedeng magbenta ng real estate
  • Lamido – isang buy and sell websayt kung saan pwede magbenta at mamili ng mga gamit

Talasanggunian[baguhin]

Padron:Reflist

Mga link na panlabas[baguhin]


You are not allowed to post comments.