Wikipediang Tagalog
Padron:Infobox Website Ang Wikipediang Tagalog (Padron:Lang-en) ay ekslosibong edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog sa Pilipinas, ay nagsimula noong Disyembre 2003. Ito ay may Kamalian sa pagpapahayag: Hindi nakikilalang panitik na pangpalabantasang "[" artikulo, at ito ang ika-96 pinakamalaking Wikipedia ayon sa bilang ng artikulo pagsapit ng Padron:Currentmonthday, Padron:Currentyear.[1]
Kasaysayan[baguhin]
Padron:Main Sinimulan ang Wikipediang Tagalog, Ang Malayang Ensiklopedya, noong Disyembre 2003Padron:Fact bilang unang Wikipedia sa isa sa mga wika ng Pilipinas.
Pagsapit ng Pebrero 3, 2011, ito ay may higit sa 50,000 artikulo.[2] Bantayan, Cebu ang naging ika-10,000 artikulo noong Oktubre 20, 2007 habang Pasko sa Pilipinas ang naging ika-15,000 artikulo noong Disyembre 24, 2007.[3] Nakumpleto sa Betawiki (o Translatewiki.net) ang pagsasapook o lokalisasyon ng pagsasalinwika ng mga mensaheng pansopwer ng Wikipediang Tagalog noong 6 Pebrero 2009.[4]
Noong 2011, naging bahagi ang Wikipediang Tagalog ng WikiHistories fellowship, isang proyekto sa pananaliksik ng Pundasyong Wikimedia. Sinusubok ng proyekto ang paglahad ng mga tagumpay, kabiguan, at pang-araw-araw na pakikibaka ng mga patnugot na nagsusumikap na maging ganap ang pangarap na pandaigdigang pagbabahagi ng kaalaman.[5]
Estadistika[baguhin]
- Marso 11, 2008: Pandaka pygmaea - ika-16,000 artikulo[6]
- Hunyo 30, 2008: Silindro - ika-17,000 artikulo[7]
- Agosto 5, 2008: Unang Aklat ng mga Macabeo - ika-18,000 artikulo[8]
- Oktubre 2, 2008: Heriyatriko - ika-19,000 artikulo[9]
- Nobyembre 1, 2008: Anak ng Tao - ika-20,000 artikulo[10]
- Marso 22, 2010: Sky Girls - ika-25,000 artikulo[11]
- Hulyo 20, 2010: Charlottenburg-Wilmersdorf - ika-30,000 artikulo[12]
- Oktubre 25, 2010: 1714 Sy - ika-40,000 artikulo[13]
- Nobyembre 9, 2010: Ekonometriks - ika-45,000 artikulo[14]
- Enero 15, 2011: Yu-Gi-Oh! Zexal - ika-50,000 artikulo[15]
- Pebrero 4, 2013: Lalaking Vitruvio - ika-60,000 artikulo[16]
- Mayo 28, 2017: Ḥu (Ge'ez) - ika-70,000 artikulo[17]
Mga unang hakbang ng Wikipediang Tagalog[baguhin]
Ang unang naikargang artikulo ay Wikipedia (maliban sa Unang Pahina), noong Marso 25, 2004. Noong maluwag pa ang pamantayan ng Wikipediang Tagalog, ang pinaka-unang Napiling Artikulo ay ang Livestrong wristband, ngunit napalitan ito ng artikulong Kimika (ayon sa nabagong pamantayan).[18] Ngunit napalitan din ang Kimika dahil sa isang proseso ng pagsusuri at pagbabalik-tanaw.[19] Kung tutuusin, ang unang napiling artikulo na nanatili pagkatapos ng pagsusuri ay tungkol sa keso.[20]
Gayundin, ang unang Napiling Larawan ay ang Image:Flutterbye.jpg para sa artikulong Paru-parong Viceroy, subalit napalitan ng Image:St Vitus stained glass.jpg na para sa artikulong Katedral ni San Vito.[21]
Ang tatlong unang artikulong pang-Alam Ba Ninyo? ay ang Web browser, Wikang Bulgaro, at Pilipinas.[22] Naaprubahang may kundisyon ang Tagalog Wikinews (Wikibalita) noong Disyembre 19, 2007.[3] Nagkaroon ng seksiyong Sa Araw na Ito sa Unang Pahina noong 2 Abril 2008, ngunit pansamantalang itinago ito noong 3 Mayo 2008 dahil sa kakulangan ng taga-ambag sa bahaging ito.[23][24]
Mga katangian[baguhin]
May ilang mga katangian ang Wikipediang Tagalog na nagpapaiba ito sa ibang mga edisyong pangwika ng Wikipedia. Ayon kay Michael Tan, isang antropologong Filipino at kolumnista sa Philippine Daily Inquirer, malakihang umaasa ang Wikipediang Tagalog sa UP Diksiyonaryong Filipino para sa saligang mga kahulugan.[25] Bagamat nakatuon ito sa wikang Tagalog, mayroon itong mga pahina na nagbibigay ng gabay sa mga hindi gumagamit ng wikang Tagalog para sa mga bagay na may kinalaman sa proyekto.[26]
Saklaw ng edisyon[baguhin]
Ang Wikipediang Tagalog ay may mahalagang saklaw ng mga paksang may kinalaman sa Pilipinas, gayon din sa mga paksang may kinalaman sa anime at manga. Noong 2010, naglabas ang GMA News and Public Affairs ng isang ulat na pumupuna sa kakulangan nito ng mga artikulong may kinalaman sa agham.[27]
Pangalan ng proyekto[baguhin]
Sang-ayon sa ibang mga Wikipedista sa Tagalog at Ingles na mga Wikipedia, ang Wikipediang ito'y kumakatawan sa wikang Filipino.[28][29][30] Ayon naman sa Vibal Foundation, isang pundasyon na pinasimunuan ang WikiPilipinas, magkaiba raw ang tinayo nitong wiki na WikiFilipino sa Wikipediang Tagalog dahil gumagamit ang WikiFilipino ng Filipino at Tagalog naman ang Wikipediang Tagalog.[31] Ang pagkakaiba o pagkakapareho ng Tagalog sa Wikipedia ang naging sanhi ng isang pagtatalo ng mga tagagamit sa pangalan ng proyekto. Nabanggit ang pagtatalong ito sa isang artikulo ng DILA (Defenders of the Indigenous Languages of the Archipelago)[32], isang samahan na ipinagtatanggol ang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Kumpara sa ibang edisyong Wikipedia sa wikang nakabase sa Pilipinas[baguhin]
Mas kakaunti ang mga artikulo sa Wikipediang Tagalog kumpara sa Wikipediang Sebuwano, ang pinakamalaking edisyon ng Wikipedia sa wikang nakabase sa Pilipinas, na may higit sa Kamalian sa pagpapahayag: Hindi nakikilalang panitik na pangpalabantasang "[" artikulo sa kasalukuyan, at ang Wikipediang Waray, na may higit sa Kamalian sa pagpapahayag: Hindi nakikilalang panitik na pangpalabantasang "[" artikulo.[33][34] Ang lalim ng Wikipediang Tagalog ay Padron:Depth kumpara sa Padron:Depth para sa Wikipediang Waray at Padron:Depth para sa Wikipediang Sebuwano, pagsapit ng Padron:Currentmonthday, Padron:Currentyear.[35] Ayon sa aktibong tagagamit, ito ay may Padron:NUMBEROF, kumpara sa Padron:NUMBEROF sa Wikipediang Sebuwano at Padron:NUMBEROF sa Wikipediang Waray.
Tingnan din[baguhin]
Mga sanggunian[baguhin]
Mga kawing panlabas[baguhin]
- Wiktionary sa wikang Tagalog
- Wikibooks sa wikang Tagalog
- Tell us about Tagalog Wikipedia
- https://wikisource.org/wiki/Category:Tagalog
Padron:Wikivoyage Padron:Commonscat-inline Padron:Mga Wikipedia
- ↑ "Wikipedia, ang malayang ensiklopedya: Unang Pahina". Tagalog Wikipedia. Wikimedia Foundation, Inc. Hulyo 24, 2015. Nakuha noong Hulyo 24, 2015.
- ↑ Tagalog Wikipedia, nakuha noong Pebrero 3, 2011
- ↑ 3.0 3.1 Mula sa Announcements (Mga Paunawa) sa Wikipedia:Tambayan ng Wikipediang Ingles
- ↑ Tala ng gawain sa Translatewiki.net (Betawiki)Padron:Dead link, noong 6 Pebrero 2009.
- ↑ Mula sa pahina ng proyektong WikiHistories
- ↑ Mula sa pahina ng usapan ng Pandaka Pygmaea
- ↑ Pahina ng usapan ng Silindro
- ↑ Pahina ng usapan ng Unang Aklat ng mga Macabeo
- ↑ Pahina ng usapan ng Heriyatriko
- ↑ Pahina ng usapan ng Anak ng Tao
- ↑ Pahina ng usapan ng Sky Girls
- ↑ Pahina ng usapan ng Charlottenburg-Wilmersdorf
- ↑ Pahina ng usapan ng 1714 Sy
- ↑ Pahina ng usapan ng Ekonometriks
- ↑ Vitruvio Pahina ng usapan ng Yu-Gi-Oh! ZexalPadron:Dead link
- ↑ Vitruvio Pahina ng usapan ng Lalaking VitruvioPadron:Dead link
- ↑ Pahina ng usapan ng Ḥu_(Ge%27ez)
- ↑ Mula sa Supnayan ng Tagalog Wikipedia
- ↑ Wikipedia: Pagbabalik-tanaw sa artikulong Kimika, Marso 25-26, 2008.
- ↑ Padron:Cite web
- ↑ Mula sa Supnayan ng Tagalog Wikipedia.
- ↑ Mula sa pahinang pangkasaysayan ng Suleras ng Alam Ba Ninyo?
- ↑ Mula sa kasaysayan ng Wikipedia:Mga pangyayari noong unang panahon
- ↑ Mula sa kasaysayan ng Unang Pahina
- ↑ Padron:Cite news
- ↑ Padron:Cite news
- ↑ Padron:Cite news
- ↑ Wikipedia:Pamantayang pangwika ; Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay
- ↑ Wikipedia:Kapihan: "Filipino Wikipedia (na nasa Wikimedia Incubator)"
- ↑ Kaugnay: The Filipino Wiktionary Debate (formerly It's official) (WP:Tambay Archive14.)
- ↑ Padron:Cite webPadron:Dead link
- ↑ Padron:Cite web
- ↑ Mga Estadistika
- ↑ Padron:Cite news
- ↑ Wikipedia article depth [Lalim ng artikulo sa Wikipedia] - Meta
Enable comment auto-refresher